How I Remove A Fishbone Near In My Throat With No Cost???
April 3,2016....Ang araw na nag ulam kami ng sinigang na bangus....Ang araw na natrauma ako sa isdang ito.... at ang araw na natinik ako....
Sabi ko sa sarili ko
hinding hindi na ako mag uulam ng bangus!!!Grrr….pero natatakot at naiiyak ako
kapag nakikita ko to…Oo,nakikita ko siya kapag nilalakihan ko yung bunganga ko
sa salamin…Malapit siya sa tonsil ko…Nung nalaman ni Tatay na natinik ako ay
nagbilog siya ng kanin at pinalunok sa akin saka niya hinilot...Pero walang
epekto dahil nasa malapit siya sa tonsil…Lunok lang ako ng lunok ng kanin na
bilog…pero wala eh…kumain na rin ako ng saging,hotdog,itlog…wala eh…Walang
epekto…sinubukan ko nga rin sumuka pero nasuka ko na lahat….wala talaga….nandito
pa rin siya at pinahihirapan akong lumunok…kahit nga tubig o laway eh masakit
na agad…at ang mas malala eh kapag kumakain ako ay mas lalo pa siyang
bumabahon….Paano na ako???Kaya naisipan kong humanap ng mga ways sa Google para
matanggal ito…
Searching…..
Basa……..
OMG!!!Ayon sa nabasa
ko,kapag daw ginawa mo na ang lahat ay kailangan na daw pumunta sa
doctor!DOCTOR?!OOPERAHAN?!!!AYOKO!!!TAKOT AKO SA DOCTOR AT SA MGA OPERATION NA
YAN!At ang mas ayoko ay may malaking babayaran!!!Mahirap lang kasi kami eh kaya
hindi naming kaya bayaran ang operasyon ng libo libo.Bakit ba kasi ako natinik
eh.TskIn that day,nagulat ako ng may someone ang nagbigay sa akin ng isang
instrument para tanggalin ang tinik sa lalamunan ko.Sabi niya kaya ko naman daw
iyon tanggalin kasi malapit lang naman daw at nakikita naman saka malinis naman
daw iyon.Ginagamit daw yun sa pag oopera ng manok.
Ano?Gagamitin ko ba???Matatanggal
ba nito yung tinik???Iyan ang mga tanong na nasa isip ko pero hindi koi to
masasagot kung hindi ko susubukan.Kaya naghanda ako ng flashlight,salamin at
yung instrumenting ito.Ngumanga ako ng malaki.Dahan dahan ko inaabot yung tinik
gamit ito pero para lang ako masusuka eh.Kaya nung susubukan ko na ng
pangalawang beses…nanalig muna ako sa Panginoon natin…at ginawa koi to ng
mabilis…at laking gulat ko ng natanggal ko yung tinik malapit sa tonsil
ko.Walang imposible kapag nanalig ka sa Panginoon.Masayang masaya ako kasi
hindi na masakit kapag lumulunok ako at umiinom.Thank you po Lord kasi po tinanggal
niyo po yung tinik.Maraming salamat po^_^.
At kung natinik kayo katulad ko ay
mas mabuting pumunta na sa doctor dahil yung ginawa ko ay lubhang
delikado.Thank you po sa pagbasa ng aking experience,trauma rather.Thank
you^_^. #Success
Ano po instrument un kc ako parang nastock po ung tinik sa lalamunan ko pg hihipuhin ko andun pa din ung tinik
ReplyDelete